Thursday, October 26, 2006

Noon at ngayon (Then and now)

The more things change, the more they are the same.

Ngayon: Dad, pahingi ng perang pampagupit: isang buwan na akong 'di nagpapagupit.
Noon: Dad, hindi pa naman mahaba ang buhok ko, ha. Kapapagupit ko pa lang noong isang taon.

Ngayon: Naku, hindi ako makatapos ng homework: patay ang internet sa bahay!
Noon: Naku, hindi ako makatapos ng homework: baha sa Recto kaya hindi ako makapagpa-type!

Ngayon: Magkita tayo sa terminal ng MRT.
Noon: Magkita tayo sa terminal ng Love Bus.

Ngayon: Ang mahal naman ng baon mo: isang daang piso! Noong araw, limang piso lang ang baon ko!
Noon: Ang mahal naman ng baon mo: limang piso! Noong araw, cinco centimos lang ang baon ko!

Ngayon: Bigatin ang bagong PC mo, ha: 19-inch flatscreen monitor, 4gb RAM, 256mb video ram, twin tuner card at 500gb hard drive!
Noon: Bigatin ang typewriter mo, ha: ELECTRIC!

Ngayon: Hoy ang cheap-cheap mo! Hindi mo ako mapapakain sa Macdo!
Noon: Hoy ang cheap-cheap mo! Hindi mo ako mapapakain sa Ma Mon Luk!

Ngayon: Ang sweet-sweet ng bf ko: panay ang text ng sweet nothings!
Noon: Ang sweet-sweet ng bf ko: laging nagpapadala ng love letters na sinulat sa PERFUMED COLORED STATIONERY!

Ngayon: Ang bigat ng bagyong Milenyo: isang linggong walang kuryente!
Noon: Ang bigat ng bagyong Yoling: isang buwang walang tubig at kuryente!

Ngayon: Good news! Nakatanggap akong email na may trabajo na ako! Woohoo!
Noon: Good news! Nakatanggap ako ng TELEGRAMA na nagsasabing may trabajo na ako! Woohoo!

Ngayon: Charter change? Wala iyan! Linoloko lang tayo ni GMA!
Noon: Constitutional convention? Wala iyan! Linoloko lang tayo ni Marcos!

Ngayon: Wow, ang dami ninyong magkakapatid: LIMA!
Noon: Wow, ang dami ninyong magkakapatid: LABING-ISA!

Ngayon: Pre, pahiram naman ng iPod mo, kokopyahin ko ang mga kanta.
Noon: Pre, pahiram naman ng PLAKA mo, kokopyahin ko sa CASSETTE.

Ngayon: Pre, walang palabas na bomba mamayang gabi: nasira ang DVD player namin.
Noon: Pre, walang palabas na bomba mamayang gabi: nasira ang bumbilya ng super-8 projector namin.

Ngayon: Magtiis-tiis na lang muna tayo sa ulam na galunggong.
Noon: Magtiis-tiis na lang muna tayo sa ulam na KARNE-NORTE.

Ngayon: Sino kaya ang masisibak mamayang gabi sa Philippine Idol?
Noon: Sino kaya ang magwawagi mamayang gabi sa Hamon sa Kampyon?

Ngayon: Ma'am, nawala ang homework ko dahil nasira ang USB drive ko kung nasaan ang soft copy.
Noon: Ma'am, nawala ang homework ko kasi ginawang pambalot ng ensaymada ng katulong namin ang typewritten report ko.

Ayos!

-JT of Dural

2 Comments:

At 8:47 pm, Anonymous celiaK said...

Hahaha! Hamon ng Kampyon ba? Ang alam ko Tawag ng Tanghalan. ;)

Musta na?

 
At 10:23 am, Anonymous Anonymous said...

oh my gosh! this entry is so funny:D

 

Post a Comment

<< Home