Thursday, August 02, 2012

Dear Manong Anonymouse - debut

Dear Manong Anonymouse,

Wala po akong TFC pero nabalitaan ko po iyong away nina Ramon Tulfo at Claudine Barretto. Anuman ang nangyari, kinampihan ng asawa niyang si Raymart si Claudine.

Nabalitaan ko rin po iyong pinagtanggol ni Gary V ang asawa niyang si Angeline laban kay Annabel Rama.

Eto po kasi ang problema ko: tuwing napapaaway ako, kailan man sa aming 30 taong mag-asawa hindi ako pinagtanggol ng asawa ko. Ang masaklap pa, iyong kaaway ko pa ang kinakampihan niya!

Nagsimula po ang problema ko noong ikakasal na kami. Aba may inaway akong abay kasi ginagaya ba naman ang lakad ko! Mabuti sana kung kasing ganda ko siya kaso ang pangit naman niya!

Noong minsan nakatayo kaming mag-asawa sa MRT. May nag-alok sa akin ng upuan dahil sa paggalang sa mga buntis! Aba, hindi naman ako buntis noon!

At minsan nagsusukat ako ng damit sa department store, tinanong ba naman ng sales girl kung para sa akin o para sa amo ko! Anong akala niya sa akin: kasambahay!!

Please po Manong, ano ang dapat kong gawin?

~~Daisy and Compused

================
Sagot ni Manong:

Dear Daisy and Compused,

Kaya ka napapaaway dahil ANG TARAY MO! Kumilos ka naman na naaayon sa pagmumukha mo! Huwag kang aasta na akala mo si Anne Curtis ka! Bruha!

Ang iyong abang lingkod,

~Manong Anonymouse

P.S.: Gusto sana kitang batukan pero baka kampihan pa ako ng asawa mo kaya huwag na lang....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home