Monday, September 03, 2012

Poo boo boos

Dear Manong Anonymouse,

Ako po'y isang OFW na bagong salta dito sa bansa sa labas ng Pilipinas. Mahusay naman po ang buhay dito at maganda naman po ang aking kinikita.

Naninibago lang po ako kasi ang mga toilet dito sa work ay walang tabo. Nakasanayan ko pong gumamit ng tabo sa paghugas. Hindi ko po kayang tiisin na hindi gumamit ng toilet lalo na po kapag nagkasarapan ng kainan dito sa work.

Ano po ang maipapayo ninyo?

Sincerely,

~Lulu in d' Loo

=============================
Sagot ni Manong:

Dear Lulu in d' Loo,

Ang gawin mo magdala ka ng isang bote ng MINERAL WATER pag punta mo sa toilet. Hindi ito halatang gagamitin mo sa paghugas. Iisipin ng mga banyaga mong co-worker na UHAWIN ka lang.

Sana nakatulong ito,

~~Manong Anonymouse.

P.S. Tiyakin mong TUNAY NA MINERAL WATER at hindi pekeng FILTERED TAP WATER ang nabili mo. Baka magka-UTI ka sa filtered tap water lang.

P.S.S. Bio-degradable ang plastic bottle pero HUWAG NA HUWAG mong i-flush kundi kapag umapaw ang inidoro e di BISTADO ka na ikaw ang gumagamit ng mineral water sa paghugas!!!

1 Comments:

At 7:52 pm, Blogger zulfiqar ali said...

Sajidelectric.com provides the best and good quality for electric appliances. We give the good services for lt switchgear and ht electric work. We manufacture the every type of solar panels and frame and power factor and electric appliances. We produce the metallic cable trays, cubical body of electric generators and machines. Email us: zulfiqarali6662@gmail.com and contact us: ph # +923004546662 and +923134546662. Thanks for your kindness.

 

Post a Comment

<< Home