Thursday, August 02, 2012

Dear Manong Anonymouse - 2

Dear Manong Anonymouse,

Five years na pong nagtatrabaho sa Dubai ang mister ko. Dito po kasi sa Pinas wala siyang trabaho at lulong siya sa kabit. Sinabi ko sa kanya na palalayasin ko siya kung hindi siya magtrabaho. Ayon po, pumayag naman at nagpunta sa Dubai.

Kaso po, iyong kabit sumunod din sa Dubai. Sila ngayon ang magka-live-in. Ang kapal pa ng kabit pinagkakalat sa Facebook ang pinaggagawa nila.

Narito po sa Pinas ang mister ko nagbabakasyon. Ayoko pong hiwalayan siya dahil alam ng tatlong anak namin na mabait siyang ama.

Tulungan po ninyo ako. Ano po ang aking gagawin?

~~Jill d' jilted

================
Sagot ni Manong:

Dear Jill d' jilted,

Nagbebenta ako ng HERPES OINTMENT. Isang gabi habang nagpapahinga kayo ni mister sa inyong silid, alukin mo siya ng masahe. Habang minamasahe mo siya ipahid mo ito sa kanyang mga maseselang parte ng katawan.

Tapos ipagkalat mo sa Facebook na may incurable herpes ang mister mo. Tiyak hindi na siya magkakabit kailan man!

Ang iyong abang lingkod,

~Manong Anonymouse

P.S.: Gumamit ka ng protective gloves sa pagpahid ng ointment para hindi ka magkaroon.

P.S.S: Nagbebenta rin ako ng biodata kung gusto mong magtrabaho sa abroad. At ako na rin ang magnonotaryo na sideline ko tuwing Sabado.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home