Thursday, August 02, 2012

Dear Manong Anonymouse - 3

Dear Manong Anonymouse,

Ako'y isang masugid na sumusubaybay sa inyong advice column sa Fil-Australian Community newspaper. Marami po akong napupulot sa inyong mga payo. Sana magpatuloy pa ang inyong column.

Eto po ang aking kuwento. May nakilala akong napakagandang binibini. Siya'y artistahin, matangkad, mukhang model at higit sa lahat matalino, masayahin at masarap kasama. Tuwing kami'y lumalabas o nagkukuwentuhan parang tumitigil ang panahon at nawawala lahat ng problema ko sa buhay. In love na in love na po ako sa kanya at siya rin sa akin. Gusto na naming pakasal.

Mayroon lamang isang problema: AYAW NIYANG MAG-ANAK. Sabi niya, masaya na siya na dalawa lang kami. Ayaw niyang mabago ang aming relasyon dahil kami'y nagkaanak.

Para pong pinana ng may lason ang aking puso noong binatid niya ito. Malapit pa naman ako sa bata. Gustung-gusto kong magka-anak. Naiisip ko na magiging malungkot ang aming buhay kung walang anak.

Hirap na hirap na po ako. Makipag-break na po ba ako? Ano po ang gagawin ko?

Sincerely,

~~Jack not very Cool.

================
Sagot ni Manong:

Dear Jack not very Cool,

Walang kuwenta ang problema mo, Jack. Kung gusto mong magkaanak e di MAG-ANAK KA SA IBA. Two words para sa iyo: RAMON REVILLA.

Ang iyong abang lingkod,

~Manong Anonymouse
P.S.: Huwag ka mamumulot ng payo dahil marumi na iyon. Kung gusto mo ng payo, i-text mo lang ako.

P.S.S. Kung mag-te-text ka, magpasa-load ka para makasagot ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home